Friday, September 2, 2011

Random Kindness

Last Wednesday, may kailangan akong puntahan sa Buendia. I took an FX sa harap ng UST and as usual nakatulog ako sa sasakyan. When I woke up nagbayad ako sa driver but he told me na wag na daw ako magbayad dahil ibababa na niya ako sa PGH at kakain na daw siya ng lunch. In short, nalibre ang pamasahe ko from UST to PGH na around 15-20 pesos dapat. Dahil feeling ko malapit na lang ang PGH sa Buendia, nag jeep na lang ako at nagbayad ng P7. 

Pagdating ko ng Buendia, sumakay ako sa air-conditioned jeep papunta sa Makati Ave. Umupo ako sa malapit sa bintana, maya-maya ay may pumasok na babae at tinanong ako kung pwedeng umupo siya sa tabi ko at doon siya umupo sa malapit sa bintana. I agreed at pinaupo siya. Ayun pala magbabasa siya ng libro. Nagtanong siya kung kailangan na ba magbayad or not, since 2nd time ko pa lang makasakay sa ganitong klaseng jeep, sinabi kong hindi ko rin alam. Tinanong niya ako kung saan ako bababa sabay abot ng bayad sa kundoktor ng jeep. Syempre nahiya naman ako at ililibre ako ng pamasahe kaya I declined her offer. 

Well dito lang tungkol ang first entry ko sa blog na ito. Parang ang weird lang kasi na mangyayari ito sa isang araw lang na malibre sa pamasahe sa FX at muntik pa ulit maulit kung di ko tinanggihan yung offer nung babae.

No comments:

Post a Comment