Wednesday, April 4, 2012

Hoy Bawal Maligo

Pag-usapan natin ang mga superstitions ngayon, lalo na yung mga Filipino superstitions during Holy Week.

Ako ay galing sa isang sarado-Katoliko na pamilya pero dahil nasa dugo na ata ng lahat ng Pinoy ang mga pamahiin, hindi ito nawala sa aming pamilya. Eto ang ilan sa mga pamahiin namin tuwing Semana Santa.

• Isa sa pinakanakakatawang pamahiin namin tuwing Semana Santa ay ang pagbabawal sa amin maligo ng Biyernes Santo. Pwede lang kami maligo ng Biyernes Santo ng umaga hanggang 2:59PM. Pag patak ng alas tres ng hapon, bawal na maligo. Ilang beses ko na tinanong ito sa lola ko at kahit sa mommy ko kung ano ang dahilan at bawal maligo pero ang sinasabi nila na bawal dahil patay ang Diyos. Other than that, wala na silang mabigay na dahilan kung bakit bawal. Funny dahil kahit hanggang ngayon sinusunod ko ito. =))

Iwasan din daw na magkasugat kapag Biyernes Santo dahil siguradong hindi na gagaling ang sugat mo. Naalala ko takot na takot ako nung bata ako sa pamahiin na ito. Ikaw ba naman magkaroon ng sugat sa binti at hindi na gumaling diba? Kaya tuwing Good Friday pinipilit ko na wag na maglaro sa labas ng bahay. Same as above, ang dahilan ng pamahiin na ito ay dahil patay si Papa Jesus.

Sa inyo ba ano ang mga pamahiin niyo tuwing Holy Week? Katulad rin ba ng sa amin? Sinusunod nyo rin ba?

Tuesday, April 3, 2012

On Bikinis and Kisses

Uso ngayon ang hindi mag-pamartsa ng students ah.

If you have seen the news last lately, 5 girls and 6 guys weren't able to march for their graduation.

Ano nga ba ang nangyari?

• The girls posted pictures wearing bikinis
• The guys posted pictures na tila naghahalikan while wearing their school uniform (yes, M2M kissing)
• The administrations of their respective schools thought that these actions were immoral and scandalous kaya hindi sila pinayagan mag march on their graduations

Para sa akin, walang karapatan ang school na makialam sa private life ng students. So what kung mga nakabikini yung mga highschool students? Eh sa mala-landi sila eh LOL. Kung sa school sila nag bikini, ibang usapan na yun. Eh kung sa beach naman or sa swimming pool, wala tayong magagawa. Ano gusto nila, magsuot ng baro't saya yung mga students habang nagswiswimming? Wag na lang sana pakialamanan yung personal life ng students tulad ng mga pinopost sa facebook dahil hindi na hawak ng school ang ganitong mga bagay.

On the case of the guys naman, I know na lokohan lang yung ginawa nila, pero naman sana inalis man lang nila yung uniforms nila. Things like these kasi can tarnish the school's name and reputation. Sabi nga sa amin nung student pa lang ako, you should do the right thing at the right time and at the right place. (naks gumaganun) Naalala ko tuloy sa school namin dati, bawal kami pumunta sa malls while wearing the uniform. Bawal din pumunta sa mga fast food chains kapag naka-uniform. (Yes kasama dito ang 7-11, Jollibee, Mcdo, KFC, Greenwich na lahat katabi ng school namin)

Buti na lang, na kahit hindi sila pinagmartsa, nakapag graduate pa rin sila ng highschool at nabigyan ng diploma. Sayang lang yung hindi pag akyat sa stage. I feel sorry for their parents. Oh well, congratulations na lang sa kanila at nakapagtapos na sila ng highschool.

Sunday, March 11, 2012

I got tagged!

Eto na Keiji, sasagutan ko na ang ti-nag mo sa akin.

• How were you able to convince yourself that you will blog?
∞ I first blog kasi about my first Eye-ball with the Thomasians way way back 2006. Sa multiply pa yun. I had to do it so that other Thomasians that weren't able to come would be able to know kung ano pinag-gagagawa namin that day. :P

• Do you see the glass of water either half empty or half full?
∞ Its always full, half full of water and the other half full of air. :)

• If you are to leave from your current location and settle to a different spot in the Philippines, where would it be and why?
∞ Nah, I love Pasig City.

• What is your most hated household chore but you need to do?
∞ Boss ako dito sa bahay, I don't do any household chores. Pero dati I hate doing the dishes, ang baba kasi ng lababo.

• Are you a dog person or a cat person?
∞ Definitely a dog persons, nandidiri ako sa pusa lalo na pag basa.

• Do you believe that every conflict can be resolved just by sitting down and discussing?
∞ I guess, pero siguro sa harap ng judge and lawyers haha.

• Choose and Explain (briefly if you like ☺) You are finding the one, have found the one, have given up on finding the one or have let go of the one?
∞ I've already given up on finding the one. Kung magkakaroon, basta-basta na lang ito darating.

• How do you find office relationship?
∞ Since wala pa naman akong work, di ko alam kung paano sasagutan to. Pero I think its not healthy to have a relationship with someone on same office. Magkakaroon ng sawa factor.

• If your life story is gonna be movie, what do you think is the most suitable title (your name doesn't count as the movie title)?
∞ Eight... should I elaborate this pa ba? XD

• Using one adjective, describe yourself ☺
∞ Simple