Tuesday, April 3, 2012

On Bikinis and Kisses

Uso ngayon ang hindi mag-pamartsa ng students ah.

If you have seen the news last lately, 5 girls and 6 guys weren't able to march for their graduation.

Ano nga ba ang nangyari?

• The girls posted pictures wearing bikinis
• The guys posted pictures na tila naghahalikan while wearing their school uniform (yes, M2M kissing)
• The administrations of their respective schools thought that these actions were immoral and scandalous kaya hindi sila pinayagan mag march on their graduations

Para sa akin, walang karapatan ang school na makialam sa private life ng students. So what kung mga nakabikini yung mga highschool students? Eh sa mala-landi sila eh LOL. Kung sa school sila nag bikini, ibang usapan na yun. Eh kung sa beach naman or sa swimming pool, wala tayong magagawa. Ano gusto nila, magsuot ng baro't saya yung mga students habang nagswiswimming? Wag na lang sana pakialamanan yung personal life ng students tulad ng mga pinopost sa facebook dahil hindi na hawak ng school ang ganitong mga bagay.

On the case of the guys naman, I know na lokohan lang yung ginawa nila, pero naman sana inalis man lang nila yung uniforms nila. Things like these kasi can tarnish the school's name and reputation. Sabi nga sa amin nung student pa lang ako, you should do the right thing at the right time and at the right place. (naks gumaganun) Naalala ko tuloy sa school namin dati, bawal kami pumunta sa malls while wearing the uniform. Bawal din pumunta sa mga fast food chains kapag naka-uniform. (Yes kasama dito ang 7-11, Jollibee, Mcdo, KFC, Greenwich na lahat katabi ng school namin)

Buti na lang, na kahit hindi sila pinagmartsa, nakapag graduate pa rin sila ng highschool at nabigyan ng diploma. Sayang lang yung hindi pag akyat sa stage. I feel sorry for their parents. Oh well, congratulations na lang sa kanila at nakapagtapos na sila ng highschool.

3 comments:

  1. ayan, Prom. wag kana mag trunks tapos i-post ang picture sa FB. hehehe ☺

    ReplyDelete
  2. it's the apex of hypocrisy. lalo na these days na ang daming lumalabas na immoral activities ng mga Catholic priests throughout the world, tapos they're saying that those things tarnish their reputation? wearing bikinis in the beach? and if they're drinking/smoking, it still is their right to do so (since their parents allow them).

    ReplyDelete