Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Wednesday, April 4, 2012

Hoy Bawal Maligo

Pag-usapan natin ang mga superstitions ngayon, lalo na yung mga Filipino superstitions during Holy Week.

Ako ay galing sa isang sarado-Katoliko na pamilya pero dahil nasa dugo na ata ng lahat ng Pinoy ang mga pamahiin, hindi ito nawala sa aming pamilya. Eto ang ilan sa mga pamahiin namin tuwing Semana Santa.

• Isa sa pinakanakakatawang pamahiin namin tuwing Semana Santa ay ang pagbabawal sa amin maligo ng Biyernes Santo. Pwede lang kami maligo ng Biyernes Santo ng umaga hanggang 2:59PM. Pag patak ng alas tres ng hapon, bawal na maligo. Ilang beses ko na tinanong ito sa lola ko at kahit sa mommy ko kung ano ang dahilan at bawal maligo pero ang sinasabi nila na bawal dahil patay ang Diyos. Other than that, wala na silang mabigay na dahilan kung bakit bawal. Funny dahil kahit hanggang ngayon sinusunod ko ito. =))

Iwasan din daw na magkasugat kapag Biyernes Santo dahil siguradong hindi na gagaling ang sugat mo. Naalala ko takot na takot ako nung bata ako sa pamahiin na ito. Ikaw ba naman magkaroon ng sugat sa binti at hindi na gumaling diba? Kaya tuwing Good Friday pinipilit ko na wag na maglaro sa labas ng bahay. Same as above, ang dahilan ng pamahiin na ito ay dahil patay si Papa Jesus.

Sa inyo ba ano ang mga pamahiin niyo tuwing Holy Week? Katulad rin ba ng sa amin? Sinusunod nyo rin ba?